DECEMBER 06, 1998

Kamusta na po sa inyong lahat diyan? Kung ako po ang tatanungin, super-busy po ang nakaraang linggo natin. Siguro, kung hindi lang matibay-tibay ang katawan ko e, baka sa ospital na naman ako nagpahinga. But thanks sa Mommy ko na palaging nagpapaalala sa mga gamot at vitamins ko.

Kaya naman po naging hectic ang schedules ay dahil sa paiba-iba ng locations sa SSKMA. As usual from Bulacan to Batangas ang binibiyahe namin para sa taping. I'm sure, doon sa mga nakapanood ng aming unang episode last November 16 (9 pm) magagandahan kayo sa location. Ibang-iba. Talagang capture na capture ang kaimportantehan ng lugar sa istorya. Kaya naman 'pag nakikita na namin 'yong finished products, biglang napapawi ang aming kapaguran. The next thing, parang may nadadagdag na naman energy sa katawan mo para gumawa kayo ulit, para magtrabaho.

Marami pa ring pagbabago. Like, last minute po ay hindi na makontak si Donna (Cruz). Sabi ng staff, may dahilan daw kung bakit nag-change mind ito at the last minute. But we're looking forward na baka sa ibang episodes ay mapapayag na rin siyang magtrabaho.

But we'd like to commend also Kristine Hermosa na isyang unang-unang magiging love interest ko rito. Ang papel ni Kristine ay teacher na mai-inlove sa akin. Mai-in love din ako sa kanya, eventually. May rapport kaagad sa set. Besides, she's the right choice also para sa gano'ng klaseng role. To think na 15 years old pa lamang si Kristine and she was made to look like in early 20's ... that's something.

No dull moment sa set. 'Pag break, naglalaro kami niyan. Maraming interesting facts about her. Kaya't napakainteresante siyang kausap. All praises nga kaming lahat sa kanya pati na si direk Olive.

'Yong sa Esperanza; nagbago na rin kami ng location for the moment. Sa Bulacan ginawa 'yong last episode namin. Thankful naman ako at 'di na ako masyadong bumiyahe. Imagine, kung sa Antipolo pa 'yon at sa Bulacan itong mini-series, baka nagkaloko-loko na ako sa oras, 'di ba?

As usual, hindi naman po pupuwedeng pabayaan ang SLNS... Dito na rin namin ipino-promote 'tong SSKMA.

As for Jolina, these past few weeks, medyo hindi kami masyadong nagkikita. Busy siya sa kanyang mga trabaho at ganoon din po tayo. Pero nagtatawagan pa rin naman kami 'pag out na kami sa trabaho. She's fine naman daw.

Siyanga pala, doon sa mga nagtatanong about GImik, The Movie, matutuloy pa rin 'yon. Ito bale ang pelikulang pagsasamahan namin ni Jolina after Labs Kita...

Again, ang aking pasasalamat sa ABS-CBN at Star Cinema sa malaking opportunity na ipinagkaloob nila sa akin para dito sa eight-episode na mini-series. Kung hindi rin sa kanilang suporta, imposibleng mangyari ang ganito sa career ko.

Kaya lang, lubus-lubos din ang pasasalamat ko sa maraming taong tumutulong sa akin, like sa mga press people na walang sawang tumutulong sa akin at sa mga talent ng Talent Center ng ABS-CBN at Star Cinemna.