Noong Dec. 25, sa umaga, nagpunta kami sa Muntinlupa para bisitahin ang tatay ko. Need I say na nagdala ko ng gift for my tatay? 'Yong paborito niyang polo shirt at kung anu-anong pasalubong. Dinalhan din namin siya ng mga pagkain at nag-share din naman siya sa mga kasamahan niya sa loob. Mga 3 hours kaming nag-stay doon.
New Year, ito siguro 'yong kinokonsider kong pinakamasayang araw kasi I got the chance to rest. Dec. 31 at Jan 1, wala kaming trabaho. Pack-up lahat ng taping. Marami kaming inihandang pagkain that day. Marami kasi kaming ini-expect na friends. Pero habang wala pa 'yong putukan sa eve ng New Year, nagpahinga muna ako. Buong araw akong natulog.
Isa pangnakakatuwa that day, matagal kaming nag-usapni Jolina sa phone. Two hours. 'Yong unang hour, about showbiz matters at 'yong natirang oras ay tungkol naman sa amin. 'Yong tungkol sa mga gagawin namin for 1999. Pareho naming wish na sana'y maging fruitful ang year na ito for us.
'Yon nga, may tatlong movie kaming gagawin, mga follow-up ito sa Labs Kita... na dapat noon pa namin ginawa. Naging busy si Jolina sa Star Drama at Puso ng Pasko at ako nama'y may ginawang mini-series.
Hey Babe at Side Trip ang tentative titles ng dalawang movie na nila-line up for us, kung walang mangyayaring pagbabago. Puwera pa 'yong gimik na kasalukuyan naming tinatapos.
SIyanga pala, 'yong SSKMA ay may natitira pang dalawang episodes. Huwag po kayong bibitaw at siguradong masu-surprise kayo sa ending.
I know that 1999 will be another busy year for me. Aside from the two projects na nakalaan para sa amin ni Jolina, may gagawin akong Star Drama.
Kaya 'yong naka-schedule kong show sa Japan na dapat sana'y January ay mapo-postponed into a later date. Baka March or April. Depende kasi 'yon sa schedule na ibibgay ng Star Cinema at ABS-CBN. Naghihintay pa lang ako ng go signal kung kailan ako magi-start sa mga taping at shooting, then isusunopd ko na rin 'yong sa Japan.
Thanks sa mga taong dumalo sa show namin sa Binalonan, Pangasinan last Dec. 30. Kasama ko pa sa show si Aya Medel at tuwang-tuwa ang mga tao sa kanya. Sana sa Year of the Rabbit, sama-sama tayong lumigaya. More projects, more rakets and good luck and God bless sa inyo.