Unang-una'y ikinagagalak ko pang malaman ninyong lahat na taos-puso po ang pasasalamat ko sa inyong lahat sa mga suportang ipinagkaloob niyo sa aming mini-series, SSKMA. Maraming tao sa malalayong probinsiya ang nagtatawagan sa ABS. Kung bakit nagpi-press release kami na last episodes na ang kanilang matutunghayan.
Kasi nga po'y nasa kontrata po na 10 episodes lang kami kaya ganoon. 'Yon nga lang, dahil sa pagkarami-raming clamor na huwag muna kaming magwawakas, miniting kami, si direk Olive Lamasan ng Star Cinema at ABS para gawan ng paraan na i-extend ito ng mga tatlo pang episodes. Dahil sa totoo lang, marami pang ideas at eksenang gustong i-inject ni Inang Olive kaya um-oo naman agad ito sa pakiusap ng ABS-CBN.
Kaya kung ano ang mga kahindik-hindik na eksenang magpapaangat sa inyong upuan, ang lahat ng mga sangkap na tulad nito'y inyong matutunghayan sa mga natitira pang istorya. But after three episodes, hanggang doon na lamang siguro. Kasi nga'y magi-start na rin ng isa pang bagong mini-series na ang pangunahing bida ay walang iba kundi ang Star for All Seasons, si Vilma Santos.
As usual, trabaho-to-the-max na naman kami. From Batangas to Bulacan. Akala nga, e, makapagpapahinga na ako after my mini-series. Pero, like I said, nakakatabang-puso naman na kahit saan ako magpunta, 'yong sa mini-series ang itinatanong sa akin. Kung makakalaya pa ba ako? Kung sino ang susunod pang mamamatay sa cast?
E, manood na lang po kayo para may suspense, 'di ba? Saka, sa set na lamang po namin nalalaman ang next naming gagawin. Ganoon pa si direk Olive. Punum-puno ng sorpresa.
Maraming salamat po ulit sa lahat.