Hindi man nangunguna, siguradong pumapangalawa ang MAJ loveteam.
Solid Marvin lang si Jolina!
Q: Pasukan ng third party ang kanilang loveteam, at mabanggit si Bojo Molina?
JM: "Three is a crowd!"
JM: "I have nothing against love triangle, kung sa tingin ng iba nakakatulong, e, siguro nga. Ang problema, 'yung after-effect no'n.
"Proven kasi may nagsa-suffer. Baka dumating 'yung time may mag-suffer kina Marvin o Bojo. Para sa akin, 'yung mag-suffer due to love triangle, unfair 'yun."
Q: Maipareha pa sa iba maliban kay Marvin AGustin?
JM: "Totoo naman na hindi everytime kami ang magka-partner. Pero yung bagong ka-loveteam, as in wala na 'yung sa amin ni Marvin, e, mahirap.
JM: "Kasi, bagong pakikisama at least sa kanya, matagal na ang samahan namin at kilala ko na siya pati trust ng parents ko, kuha na niya at pinagkakatiwalaan na siya.
JM: "Yung rapport namin, maganda, kung ano nakikita sa TV o sa movie, ganoon talaga kami kahit off-cam, kumbaga, natural lang ang acting namin.
JM: "Tested na rin yung tandem namin, proven klik, lahat ng shows na pinagsasamahan namin, nagre-rate and base on feedbacks, marami ang may gusto na kami ang magkasama na parang nag-e-enjoy sila.
JM: "Unlike pag bago ang ka-partner, hindi maiiwasan na magkahiyaan, kasi nga, hindi pa namin kilala ang isa't isa at baka hindi rin tanggapin ng tao, kasi nga, sanay na silang kami ni marvin ang magka-loveteam."