MAJ ONE YEAR ANNIVERSARY

by: Joey Diego

Kamakailan nga, nag-celebrate sila ni Marvin ng one-year anniversary ng loveteam nila sa ASAP. Nagkaroon pa sila ng palitan ng stuff toys na siyang magsisilbing alaala nila sa kanilang first anniversary. Nagregalo nga rin ang ASAP ng diamond ring bilang reaglo naman ng probrama sa napaka-sweet na loveteam nila. Ano ba ang feeling ng naka-isang taon na?

"Siyempre happy despite the fact na iniintriga nila kami pero 'andun 'yung saya, lalo na kapag naaalala ko yung masasayang moments namin ni Marvin nu'ng nagsisimula pa lang 'yung loveteam namin.

"I never expected na magiging ganito kami, akala ko noon, okey lang 'yung loveteam-loveteam na tipong hindi naman ganu'n ka-seryoso, pero as time goes by, gan'un pala 'yun, masaya at siyempre kasama na 'yung kilig," sey pa ng kikay na kikay na si Jolina.

Pinansin naman namin 'yung stuff toy na regalo sa kanya ni Marvin. Nang interbyuhin kasi namin siya nasa loob kami ng kanyang cute na kuwarto sa bahay nila sa Tandang Sora. Of all the toys na naka-display doon e, iyon lang ang nag-iisang nakalagay sa ulunan ng kama niya.

"Para espesayal di ba? Special naman talaga 'yun, saka ang cute, "Jay" nga ang pangalan nito dahil 'yun ang bansag sa kanya ni Marvin, nang ibinigay niya ito sa akin. Jay dahil Marvin Jay Cuyugan ang tunay niyang pangalan. Cute di ba?

"Saka kaya gusto kong ilagay ito sa ulunan ko dahil feeling ko binabantayan niya ako bago matulog, bukod pa sa naku-cute-an ako sa balahibo niya, ang kapal-kapal, kasing kapal ng mukha ni Marvin! Hindi biro lang, huh!" pagbibiro pa ni Jols.

Eh siya, bakit "Nuning" ang ibinigay niyang pangalan sa teddy bear na bigay naman niya kay Marvin?

"Yun kasi ang tawag ng Mommy ko sa akin, cute naman di ba? Bagay naman 'yun sa hitsura ng bear, saka para unique, ngayon lang kayo nakarinig ng ganu'ng nickname di ba?" salo pa rin ng young star.

So ngayon naka-isang taon na sila ni Marvin, ano naman kaya ang mga pagbabago sa kanila? Meron bang dapat na i-expect ang mga loyal fans nila?

"Kung sorpresa, wala pa naman, pero siyemptre lagi namang may bago sa amin ni Marvin, katulad ngayon, mas mukha na siyang babae sa akin, hindi biro lang. Kasi nakita ko 'yung pictures niya sa kanyang Star Drama na nakadamit babae siya, talbog ang beauty ko, 'yung pagiging trendsetter ko at 'tong kulay ng hair ko, imagine, platinum 'yung kulay ng buong hair niya. Nakakaloka!

"Bilib nga ako sa kanya dahil pumayag siya sa ganu'ng role, maselan kasi 'yun, hindi basta-basta papayag ang isang teen actor na katulad niya, kasi naman mahirap 'yun ha!"

Na-turn off ba siya kay Marvin nang makita niya 'yung kaseksihan nito sa pictorial?

"Oo nga eh, bigla yata akong na-insecure sa kanya, ganu'n pala ang hitsura niya kapag girlash! Pero hindi naman ako na-turn off sa kanya dahil role lang naman 'yun, ako nga sa susunod naming movie, tomboy naman ang role ko, at sigurado din ako na hindi matu-turn off si Marvin sa akin dahil role lang naman 'yun."




JOLINA MAGDANGAL