After our last shooting day of KAMHM, dumiretso kaming dalawa ni Marvin sa Baclaran Church. Bilang pasasalamat sa mga blessings na natatanggap namin from the Lord Almighty. Nakita nga raw kami ni Tito Lito Manago kaya lang nahiya raw siyang magpakita sa amin. Actually, ginagawa ko ito everytime maluwag ang schedule ko.
Marami ang nagtatanong kung sinagot ko na si Marvin last Valentine's Day? Tipong excited na talaga kayong malaman kung kami na nga, huh! Well, medyo nagpaparamdam na pero hindi ko alam kung 'yon ba'y panliligaw na. Alam n'yo naman si Marvin, lumalabs ang pagiging torpe kapag ako ang kaharap. Ayaw magsalita kung ano talaga 'yung feelings niya.
Totoong last Valentine's Day, ipinagpaalam niya ako sa parents ko for a date. Kaso hindi rin kami nakalabas dahil we're having our dubbing last February 14. Lumabas lang kami ng studio sandali at kumain sa labas. That's the only time na nakalabas kami ng studio, pero kung date ang sasabihin natin, walang nangyari dahil trabaho pa rin 'yun priority namin.
Pero kung free kami that time, as in walang trabaho, willing naman akong sumama sa kanya. In the first place, malaki ang tiwala ko kay Marvin. Maging ang parents ko, okay sa kanila si Marvin. Sinasabi ko nga na medyo, may puwang na sa puso ko si Marvin.
Feel niyo rin ba si Marvin for me?
Ang masasabi ko lang, nakalalamang na si Marvin sa puso ko! Sayang naman 'yung pagiging mag-best friends namin, huh! Basta, he's very special at panghihinayangan ko kapag nawala siya sa buhay ko. Naks, parang eksena sa pelikula namin, 'no? but seriously, Marvin is a true friend na maaasahan sa oras ng kagipitan.
Ipagbunyi natin si Marvin! Ah, kayo talaga kinikilig kapag nami-mention ko si Marvin. Kiyeme ko lang naman 'yon kaya huwag ninyong masyadong seseryosohin.
Before winding up, gusto ko lang i-congratulate si Marvin for having been nominated as New Movie Actor sa gaganaping 14th Star Awards for Movies. Maiuwi na sana niya ang trophy this time.