Pagkatapos ng nangyari sa kanya, anong move naman ang ginawa ng kayang my labs na si Marvin?
"Ngayon grabe na 'yung pag-iingat niya sa akin, actually kinabukasan nga nu'n eh meron ulit kaming mall tour sa SM Fairview, 'yung fans day namin nina Ate Maria. Talagang yaka-yakap niya ako papasok kami ng stage, mereseng nilalamutak din siya ng mga fans na hawak nang hawak sa kanyang mukha at katawan pero ang concentration niya eh nasa akin. He made sure na hindi na maulit 'yung nangyari sa akin sa Ever Gotesco kung saan may nambastos nga sa akin.
"Noon pa lang gentleman na sa akin si Marvin, kahit saang out of town shows na magkasama kami eh inaalalayan niya ako, hindi naman niya ako pinababayaan, nakalusot nga lang 'yung lalaking 'yun at s'yempre na-bother din si Marvin sa akin, kaya doble ngayon 'yung ginagawa niya pagke-care sa akin. Natutuwa naman ako sa kanya dahil nararamdaman ko 'yung love na totoong ipinakikita niya sa akin kaya naman lalo akong humanga sa kanya," sabi ng petite na young star.