UPDATE: NEW MAJ MOVIE

by: Jolina Magdangal

Dahil sa success ng KAMHM ay tuluy-tuloy na ang pag-lo-launch sa amin into "full stardom" ng Star Cinema. Sinabihan na kami na by May ay malamang simulan na namin ang next movie namin na wala pang title. They told me na sa Baguio isu-shoot 'yung entire movie at tipong 3-4 weeks ito na walang babaan. Hanggang sa ngayon I am still consulting my dad about it, kasi nga marami rin akong commitments dito sa Manila. Pero I am sure na papayagan naman niya ako dahil supportive naman si Daddy sa mga career plans ko.

Sana nga matuloy na ito para magkaroon kami ng chance ni Marvin na magkakilala nang husto lalo pa ngayon na inamin na niyang nanliligaw siya sa akin. Siyempre, nakaka-flatter na ligawan ka ng isang guy. Kaya lang, parang nakakatakot pumasok sa isang serious relationship sa ngayon. At least, kung magkakaroon kami ng isang buwan na magkakasama, as in walang uwian at babaan, hindi natin masasabing biglaan ko siyang sinagot kasi nagkakilala kami muna nang husto.

Hanggang sa ngayon ay showing pa rin ang "Titanic" at isa rin ako sa nakigulo at nakipagsiksikan to watch that film. Grabe, nakaka-in-love talaga siya! Feeling ko nga ako si "Rose" (Kate Winslet) at si my loves naman si "Jack" (Leonardo DiCaprio). Alam naman ninyo si Marvin, feeling niya siya si Leonardo kaya ako ride na lang para masaya. Isipin niyo na lang na magkasama kami sa sinehan at kumakain ng popcorn. 'Di ba napaka-romantic? 'Yon nga lang, namatay si Jack sa huli kaya napaiyak ako. Paano na si Rose kung wala ang kanyang love? Mabuti na lang ako nandiyan palagi si Marvin at alam kong hindi mata-Titanic ang mga beauty namin.



JOLINA MAGDANGAL