Isang intriga kay Marvin ay ang hindi mamatay-matay na isyu about his gender. Pinagdududahan siyang "malamya" hanggang ngayon?
"It hurts me. Kasi, ba't naman nila sinasabihan ang tao nang ganu'n? Porke ba't tumatahimik na lang siya, e, sige naman sila nang sige sa kaiintriga. Sana, tumigil na sila. I should know dahil ako parati ang kasama ni Marvin," depensa pa ng young singer-actress sa kanyang reel and real(?) "love".
"Kasi, tinanong na naman 'yan sa Kris last week, eh," nakasimangot pang alala ni Jolina.
"Ano ba 'yon? Kasi naman 'yong mga tao diyan laging ang pasakalye, napagkakamalan. E, hindi naman sila sigurado? Hmmmp! Sabi ko nga kay Marvin, huwag na niyang pansinin lalo naman na alam mo sa sarili mo na iniintriga ka lang. Huwag kang paapekto, sabi ko sa kanya. Mabuti naman at ganu'n din ang reaction niya sa mga ganu'ng isyu. At least, nakikita ko naman na binabale-wala niya 'yon," tuluy-tuloy pang pahayag ni Jolina about Marvin's gay issue.