Pilit naming pinapaamin si Jolina tungkol sa totoong relasyon nila ni Gio ALvarez. Kasi nga, matagal nang napapabalitang naging boyfriend ng dalaga ang guwapong bagets.
"Hindi kami naging mag-on ni Gio at talagang magkaibigan lang kami. In fact, siya ang best friend ko," yun ang sabi ni Jolina nang bisitahin namin siya sa shooting ng Labs Kita ... Okey Ka Lang ng Star Cinema with MARVIN AGUSTIN.
Kung saka-sakaling magkakaroon ng boyfriend si Jolina...
"Siguro, siya ang magiging first boyfriend ko. Kung si Marvin 'yun, first boyfriend ko siya. Eh, ang kaso, mag-MU pa lang kami ni Marvin hindi pa talaga kami mag-on. Kung iniisip ng iba ay mag-on na kami, well nagkakamali sila," ang sabi pa niya.
Two years nang magkakilala sina MAJ, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ganoon kaseryoso ang feelings na kamilang nararamdaman sa isa't isa.
Bakit kaya?
"Nung nagtapat sa akin si Marvin ay tinapat ko siya agad and I told him na ayaw ko pa ng serious commitment. Naiintindihan naman niya ako," sey pa niya.
So Nov. 6 ang birthday ni Jolina. Tsika namin sa dalaga, ay baka dun niya sagutin si Marvin.
"Hindi ko alam. Mahirap magsalita, di ba? It depends. Like, 'pag natapos 'yung movie at ganoon pa rin ang feelings namin sa isa't isa, who knows baka sagutin ko na rin siya," ang may ngiti sa labi na nagwika pa siya.
Malapit na ngang ipalabas sa sinehan ang launching movie ng tambalang MAJ. Accdg. to Jolens, kabado siya sa nasabing pelikula.
"Dito kasi huhusgahan ang team-up namin ni Marvin. Dito kasi malalaman kung tanggap ba kami ng tao, di ba? So, natural lang na kabahan ako, no? Besides, dito nakasalalay ang career namin ni Marvin. Once kasi na hindi ito pumatok sa takilya ay tapos ang career namin. Kasi, 'pag hindi maganda ang naging resulta nito sa box office, ang team-up agad namin ang unang maaapektuhaan. Sa team-up talaga namin nakasalalay ang lahat kaya dapat lang na matakot kaming dalawa."
First laundhing movie ito ng tambalan nila pero ang daming reklama kay Jolina ng ilang staff ng kanilang movie. Hindi raw kasi marunong makipag-cooperate ang dalaga dahil sa dami ng demands daw ng kanyang ama. Like, ang tsika, ayaw daw ng father niyang magkaroon siya ng kissing scene with Marvin. Eh, kailangan daw gawin sa movie nila ito dahil pampakilig ito sa kanilang fans. But sad to say, tinanggihan niya ito dahil sa wholesome image na pinoprotektahan niya sa mga advertiser na kumukuha ng kanyang serbisyo. Kaya 'pag pumalpak daw ito sa takilya, si Jolina raw ang dapat na sisihin.
"Ayaw kong mag-react tungkol sa bagay na 'yan. Ang sa akin kasi, hindi lang naman dahil sa kissing scene na gagawin namin ni Marvin kung bakit ito panoorin ng mga tao. Hindi rin naman yata tamang gawin ko 'yun para lang sa ikasisiya ng fans namin. Maganda ang story ng movie namin kaya du'n pa lang ay puwede nang makuntento ang mga taong manonood ng movie namin," ang sabi pa niya.