Dahil walang party, gumawa ng paraan si Marvin na bigyan ng asalto ang kanyang dearest friend. Sa istudyo ang surprise pary ni Marvin.
Nakakatuwa nga raw dahil paalis na yata ang aktres after her taping nang buhatin siya ng binata at dalhin sa studio kung saan naghihintay ang ilang kaibigan ni Jolina. Isang malaking sorpresa kay Jolina 'yung ginawang 'yon ni Marvin.
Aminado ang sikat na aktres at mang-aawit na touched na touched siya sa gesture ng kaibigan. She didn't expect na gagawin daw 'yon ng ka-love team.
"I was really surprised!" tungkol sa ibinigay na asalto ni Marvin sa kanya. "Kaya pala tawag siya nang tawag sa phone nang araw na 'yon. Tinatawagan na pala niya 'yung mga kaibigan ko. Pati na 'yung mga kasamahan namin sa show.
"Hindi ko aakalaing gagawin ni Marvin 'yon. Alam n'yo naman 'yung problemang kinakaharap niya sa ngayon. I was really moved sa ginawa niyang ito. One point pogi na naman siya sa akin," nangingiting pahhayag ng dalaga.
"I really don't know how to thank him for that. Alam kasi niyang wala akong malaking celebration kaya ginawa niya 'yon. Salamat talaga sa kanyang kabaitan. Darating ang araw, masusuklian ko rin 'yung mga kabaitan niya sa akin," beaming with pride pa si Jolina.