JOLINA ADMITS MU WITH MARVIN

by: Jolina Magdangal on Jolly Jolina

Ano ang real score sa amin ni MARVIN AGUSTIN na leading man ko sa Labs Kita, Okay Ka Lang? Marami raw kasing nagsasabing bf ko na si Marvin.

Marvin and I are just the best of friends. Hindi pa kami mag-boyfriend. Masasabi kong MU kami bilang magkaibigan. But that's it, hanggang doon lang 'yon kasi alam niyo naman na hindi pa ako handa for a serious relationship. I don't want to jump into a relationship na hindi ko pa kayang panindigan. Masasabi ko ring ready na ako for a relationship dahil nagkakaedad na ako pero hindi naman sukatan 'yon, di ba?

I can go as far as being friends to Marvin. At kaklaruhin ko na rin na hindi against ang parents ko kay Marvin, tulad ng pinalalabas ng kung sinuman. Maganda ang trato ng parents ko kay Marvin. Hindi nila ako pinakikialaman. Kaibigan ko lang si Marvin at wala nang iba pa. We're very close at sweet pero hindi nila puwedeng sabihin lovers na kami. I hope it's clear at tigilan na ang mga intriga at isyu.

At the moment, komportable kaming dalawa ni Marvin sa loveteam namin. At masaya na rin ako dahil marami pa rin ang nagkakagusto at sumusuporta sa tandem namin. Ipinapapanalangin ko rin na sana'y tumagal ang samahan naming dalawa.

In the meantime, salamat sa suporta niyo sa akin at sa loveteam namin ni Marvin. Huwag kayong magsasawang suportahan kami lalo na 'yung forthcoming movie namin under Star Cinema at sa direksyon ni Jerry Sineneng.


JOLINA MAGDANGAL