Sa Staes dinagot ni Jolina si Marvin kung saan nabuko ang lahat nu'ng mapabalitang nag-break ang dalawa kamakailan. Totoo ba ito?
"Hindi totoong nag-break kami ni Marvin. Paano naman mangyayari ito gayung hindi ko pa naman siya sinasagot! I admit, nagpunta kami ng States at marami kaming pinag-usapan tungkol sa aming dalawa dahil very solemn ang paligid namin. Pero kahit na romantic 'yung place, hindi ko pa rin siya sinagot kaya ganoon na lang ang gulat ko nung lumabas na balitang break na kami! mga birada ni Jolina nang makausap namin sa prescon ng movie.
Pero marami nga ang hindi naniniwala sa sinabi ni Jolina lalo pa't kitang-kita naman sa kanilang kilos at galaw ang pag-iibigan at pagmamahalang inuukol nila sa isa't isa.
"I admit that we love each other and I really mean it from the bottom of my heart. Pero 'yung love na ipinapakita namin is purely friendship lang talaga. 'Yung love, as in boyfriend, hindi pa namin ginagawa. Hindi pa talaga kami umabot sa ganu'ng relasyon. Hindi sa nagpapakipot ako, ang sa akin kasi ayaw kong magmadali. Darating din naman 'yun, e, di ba? Maghintay na lang tayo. Once maipalabas 'yung movie namin at ganoon pa rin ang nararamdaman ko kay Marvin, du'n ko malalaman kung ano ang isasagot ng puso ko," makahulugang sabi pa ni Jolina.
Kahit deny ni Jolina ang real score sa kanila ni Marvin ay marami pa ring taong sangkot sa break-up nilang dalawa.
Una na rito ang parents ni Jolina na against sa binata. Tama ba naman kasing sabihan si Marvin ng get out of my daughter's life! ng parents ni Jolina? Ang salitang ito nga ayon pa sa balita ay dinamdam ni Marvin at dahilan para gustuhin na nitong humiwalay sa tambalan nila ni Jolina. Any reaction?
"Honestly, hindi ko maalala ang insidente na 'yan. hindi ko alam kung nangyari ba 'yan o hindi. But whatever it is, me and my family esp. my parents respect kung ano man ang guston ggawin ni Marvin sa kanyang career. Like, kung gusto na niyang magsolo, okay lang sa amin. Hindi big deal 'yun lalo pa't kung alam naman naming du'n siya maggu-grow as an actor. Actually, pabor nga ako ru'n. I believe, it is a big help for both of us lalo na sa career namin dahil hindi rin naman forever itong loveteam namin 'coz we know that someday, ipapareha rin kami sa iba pang artista. But this time, si Marvin na rin ang nagsabi na hindi pa niya kayang magsolo. Kailangan niya pa ako lalo na ang team-up namin para sa kanyang career at para sa career naming pareho. At tama rin naman siya," pag-amin pa niya.