Hindi pa man ipinapalabs ang movie nina MAJ, kaliwa't kanan na ang mga negative publicities na naglalabasan sa kanila na puwedeng makasira ng malaki sa box office appeal ng kanilang launching movie bilang loveteam.
Kahit paano ay nakakaapekto rin sa movie nila ang mga intrigang naglalabasan gaya na lang nang pagkaka-confine ni Jolina sa hospital sanhi pa rin ng pagbi-break nila ni Marvin.
"Na-confine ako sa hospital dahil na-overfatigue ako. Nasobrahan ako sa trabaho kaya bumagsak ang katawan ko. It's not true na kaya ako na-confine ng hospital ay dahil sa break-up namin ni Marvin. Maling-mali 'yon," paniniguro pa niya.
Ayon pa sa iba, na-confine siya sa hospital dahil buntis. Ito raw ang matinding dahilan kung bakit pilit siyang inilalayo ng kanyang magulang kay Marvin. How true?
"Hindi po ako tanga at boba para magpabuntis! Hindi pa ako nasisiraan ng bait, no? Na-confine ako sa hospital, hindi dahil buntis ako agaya nang pinapalabas ng iba. Na-confine ako sa hospital dahil anemic ako ayon pa sa findings ng doktor na tumingin sa akin kaya tigilan na ako sa ganyang klaseng intriga dahil ang cheap-cheap talaga ng dating," ang mga birada pa ni Jolina bilang hudyat sa pagtatapos ng aming usapin.