JOLINA TALKS ABOUT MARVIN

by: Jun Reyes

Nahinto na rin sa wakas ang mga intrigang naglabasan lately sa ka-loveteam ni Jolina na si MARVIN AGUSTIN kaya lumalabas na hindi talaga totoo ang balita.

"Kung totoo kasi 'yon, dapat nilabas na nila 'yung mga kopya ng betamax tapes o nude picture o anak daw ni Marvin. Pero wala nga silang mailabas. Hindi rin nila napatunayang totoo ang tsismis kaya hindi talaga totoo 'yon."

Kumusta na si Marvin ngayon?

"He's happy dahil meron na siyang peace of mind unlike before na napakaraming intriga ang dumating sa kanya.

"Ngayon ay nakakatawa na siya. Feeling ko nga ay para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sa pagkamatay ng lahat ng intrigang dumating sa kanya.

"He deserves to be happy. Intriga lang naman ang lahat ng dumating sa kanya."

Hindi kaya ang isa sa dahilan kung bakit masaya ngayon si Marvin ay dahil sinagot na niya?

"Wala pa kami sa gano'ng stage, e. Actually, kahit hindi ko sagutin si Marvin ay masaya pa rin siya.

"He's a very happy person talaga. Isa nga iyon sa dahilan kung bakit naging magkasundo kami. Pareho kami ng moods ni Marvin, e. Kaya nga, perfect loveteam kami na parehong magulo at masayahing tao. Magkasundung-magkasundo kami ng taong 'yan. Iyon din ang isa sa sekreto kung bakit going strong pa rin ang aming samahan at friendship," ang huling nawika na lang ni Jolina.




JOLINA MAGDANGAL