Balitang nagtatampo raw siya kay Marvin dahil hindi siya bumati noong birthday niya. How true?
"Last year kasi, siya ang unang-unang bumati sa akin ng happy birthday. Siya nga ang nag-organize ng asalto para sa akin. Kaya medyo nakakapanibago. I admit, medyo nasaktan ako dahil umabot na ang tanghali at hapon ay wala pa rin akong natatanggap kahit na greetings sa pager ko. Tapos nalaman ko na lang sa prescon ng Richard Loves Lucy na may taping pala siya ng araw ng iyon ng bago niyang mini-series sa ABS. Actually, kinabukasan na nang makatanggap ako ng bouquet of flowers sa kanya. Pinadala lang niya 'yon dahil nasa Batangas pa rin siya sa kanyang taping. Nang nagkausap kami, ang sabi niya sa akin ay late na nang maalala niya ang birthday ko dahil naging busy siya sa pagtatrabaho. Tawag naman daw siya nang tawag sa cellphone ko pero hindi siya maka-contact. Ang importante ay nakaalala pa rin isya kahit paano. Although I admit na hindi na kami masyadong close ngayon di tulad noon. Wala na kasi ang Onli kaya hindi na kami madalas na nagkikita," pahayag ni JOlina.