JOLINA TALKS BOUT CONTROVERSIAL BIRTHDAY

by: Melba Llanera

Naging kontrobersyal ang sinasabing kaarawan niya last November 6 dahil hindi man lang daw ito naalala ni Marvin. May asalto yatang inihanda noon pero hindi nakapunta si Marvin bukod pa sa ASAP celebration na hindi man lang daw siya naalalang batiin nito. Ano ba talaga ang totoong nangyari?

"Binati naman ako ni Marvin kaya nga lang late afternoon na ng Nov. 6. Tumatawag daw siya sa cell ko nu'ng 3:00 am pa nang araw na 'yon kaya nga lang daw naka-off, wala naman daw sumasagot sa bahay. Ang sabi niya, ipit daw kasi siya sa taping noon. Una, siyempre kahit naman sino magtatampo pero nu'ng nagpaliwanag na siya, naintindihan ko naman. Trabaho 'yun at 'yun naman talaga ang dapat niyang unahin."


JOLINA MAGDANGAL