JOLINA REACTS

by: Dominic Rea

On detractors...

"Hanggang ngayon naman ay nandiyan pa rin silang gusto kaming sirain ni Marvin as loveteam. Tulad noong lagi naming sinasabi ni Marvin na, hindi namin kayang i-please lahat ng tao rito sa business. Parang, we can't have it all at the same time."

On facing intrigues...

"Wala lang! Kung anu-ano nga ang pang-iintriga sa amin the last time, di ba? Per, pareho naman naming pinag-usapan at naayos naman namin pareho. Sabi ko nga, walang ibang makakaayos nu'n kundi kaming dalawa lang din. Nagkaroon man ng konting tampuhan na naapektuhan kaming pareho ay ginawan namin ng solusyon at natapos naman ng maayos.

On personal relationship...

"Maayos naman ang lahat sa amin ni Marvin. Sana nga, walang mabigat na intrigang dumating sa amin ngayong taon at sa mga susunod pang taon, hindi ba? Para naman masaya lahat."

On ABS and Star Cinema's plan of dissolving loveteam...

Hindi ko lanag alam kung totoo ang tsismis na 'yan o hindi dahil wala pa sa ngayon dahil pinagsamam pa kaming dalawa sa MTB napapanood nila every Monday. Tapos, may follow-up movie pa kaming dalawa, maganda naman ang tinatakbo ng working relationship namin ngayon, di ba? Hindi ko talaga alam, siguro, since wala pa namang nangyayaring ganoon, hindi ko pa masasagot 'yan sa ngayon."

On the possiblity...

"Pinag-usapan na namin ang bagay na 'yan. Kung 'yon ang magiging desisyon ng Dos para sa amin ni Marvin ay wala kaming magagawa dahil alam naman nating lahat na nagtatrabaho lang naman kami sa ABS at sa Star Cinema. Tatanggapin namin nang maluwag sa aming dibdib, ganoon lang siguro at sa tingin ko, may purpose ang mother studio namin kapag ginawa nila 'yon sa amin. May plano pa yata silang ipasok si Marvin sa RLL para ka-love interest ko kaya paano nila nasabing bubuwagin na kami, hindi ba?"


JOLINA MAGDANGAL