Salamat sa pagsuporta niyo sa love team namin ni Marvin. Tungkol kay bojo, wala namang problema kung i-pair kaming dalawa. At lalong okay lang sa parents ko. In the first place, hindi naman sila nakikialam pagdating sa ganitong mga bagay.
Of course, okay sin sa kanila si Marvin. Kasi alam ng parents ko na mula pa lang noong nagsisimulang mag-artista si marvin, sa kanya na talaga ako inila-loveteam. Hanggang ngayon, kami pa rin ang magkalabtim at klik na klik nga ang samahan namin.
Ikalulungkot ko siguro kapag pinalitan ng istasyon si Marvin. Kumbaga kasi, may pinagsamahan na kaming dalawa. Mahirap din kasi 'yung papalit-palit. Relax na relax na kaming dalawa ni Marvin kapag kami ang magkasama. Sayang din naman kasi 'yung tagal ng pinagsamahan naming dalawa, huh!