Kuripot din ba sa pag-ibig si Jolina? 'Yung tipong ang puso ay ayaw pang ibigay kaagad, at tipong kung si Marvin Agustin nga 'yung guy na magpu-propose ng pag-ibig ay mag-aalinlangan pa at kailangang kilatising masyado ang lalake bago mahalin?
"Dapat lang naman siguro.
"Yeah. Ganu'n naman talaga dapat. Kasi'y kung 'yan, eh, talagang...I mea, kung ready ka nang magmahal; gugustuhin mo bang masaktan ka? Kaya ka nga magmamahal ay para sumaya, 'di ba?
"Totoo. Ang gusto ko talaga, bago ko ibigay ng buong-buo 'yung trust ko sa isang lalake ay makilala ko naman muna siya ng malalim.
"Mahirap naman kasi kung type mo lang halimbawa 'yung isang guy, eh, diretso ka na kaagad na mai-in love sa kanya. Kasi'y baka naman doon ka matalo. Baka doon ka umiyak. Ayoko naman ng ganoon.
"Kung 'yung closeness namin ni Marvin ang tatanungin niyo, eh, talagang okey naman kaming dalawa. Wala talagang problema.
"Kung sa pagkakakilala na sa isa't isa, ang masasabi ko rin ay malalim na rin 'yung pagkikilala namin. Kasi nga, magkasama kami sa trabaho. Magka-loveteam. Natural na magkakakilala talaga kami, at 'yun naman ang maganda sa aming dalawa.
"Kaya nga kapag mayroong nagsasabi na parang kung ikukumpara sa ibang magka-loveteam ay parang magaan 'yung samahan namin ni Marvin...kasi nga, gamay na gamay na namin ang isa't isa. Kami rin 'yung tipong wala nang lihiman. Kaya naman wala na rin sa aming dalawa 'yung hiyaan. Kaya ako, masasabi ko rin sa nage-enjoy talaga ako na katrabaho si Marvin.
"Du'n naman halimbawa kanyo sa punto na kung si Marvin ay manligaw sa akin? Well, hindi naman natin pupuwedeng isarado ang pintuan ng mga posibilidad. Kasi'y malay nga natin, 'di ba? Kasi'y lagi nga kaming magkasama sa trabaho at magkakakilala.
"Pero hindi naman dapat na sa panliligaw na lang na puwedeng mangyari natin itutok na mapunta 'yung sitwasyon.
"Sa ngayon, kung 'yung pagkakakilala ko sa kanya ang tutukuyin natin, ay masasabi kong karangalan in isang babae na kumbaga'y maging boyfriend si marvin. Bilang kaibigan nga na kilalang-kilala ko na sa ngayon, eh, gan'un ko mapupuri si Marvin.
"Bilang ka-loveteam, masasabi kong ang number one na ugali niya na hinahangaan ko ay 'yung concern niya sa kanyang family. Grabe! Natutuwa ako sa ugali niyang 'yon. Mahal na mahal niya ang kanyang family, eh. 'Yun ang kanyang inspirasyon sa trabaho."
O, di ba? Meaning, kung talagang magiging sila na nga ay proud si Jolina na si Marvin ang magiging boyfriend niya.
Kailan kaya 'yon?