MAJ INSEPARABLE

by: Eric John Salut
(Journal Group 07.08.98)

INSEPARABLE sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin nowadays. Kahit saan magpunta si Jolina ay naroroon si Marvin. Kahit nga no'ng birthday party ng colleague naming si Chan Chan Torres recently ay very sweet ang dalawa. Unang dumating si Jolina (accompanied by dad Jun Magdangal) at halatang hinihintay nito si Marvin.

It was only nang dumating si Marvin na nakita naming nag-cheer up si Jolina. Mas malalim na raw ang friendship nila ngayon kumpara noon. Lalo na nang gawin nila ang launching movie nilang "Kapag Ako Ay Nagmahal" mula sa direksyon ni Jerry Sineneng under Star Cinema. Doon daw nila lubusang nakilala ang isa't isa at nang magkasama sila sa US kamakailan.

After the successful movie of the tandem of Claudine Barretto-Rico Yan-Diether Ocampo, it's Jolina and Marvin's turn. Heard na all-out support din ang ibibigay sa kanila ng ABS-CBN at Star Cinema sa promo ng kanilang launching movie.


JOURNAL GROUP