Wala daw siyang magawa kung talagang nagiging as close as can be sina Jolina at Marvin. Ang ayaw niya lang ay seryosohin ng dalawa ang kung anumang may relasyon ang mga ito. Ang paniwala niya, napakabata pa nina Jolina at Marvin para magkaroon ng seryosong relasyon.
Pero, isa siya sa nagsasabing maganda ang rapport ng dalawa bilang magka-love team. Napanood na niya ang kabuuan ng Labs Kita...Okay Ka Lang at matindi ang paniniwala niyang kikiligin ang mga fans.
Itong mga magulang ni Jolina ang iilan sa mga parents ng artista na marunong makisama sa kahit sinong tao. Siguro, ito ang dahilan kung bakit marami ang nakakagusto kay Jolina.
"Ipakisama n'yo na ho ang pangalan ko na isa sa mga sumasaludo sa mga Magdangal," tukoy ni Marvin.
O, di ba may dangal talaga itong si Marvin?