PINAANDAR ang Think Tank committee ng Star Cinema. Let's concentrate on the loveteam angle, dahil ito naman ang kanilang ibinebenta. Well, what about? Na hindi ito tulad ng kunwa-kunwariang loveteam nina Bobby at Angelu. It is for real at lalo silang nagkalapit nang magkaroon sila ng show sa America.
But wait. Let us put a twist. Someone makes tutol sa kanilang relationship. Aba, parang plot sa Romeo & Juliet. At dito more or less umiikot ang promo ng "Labs Kita".
TINANONG si Jolina kung mag-on na sila ni Marvin. What do you think, ang bwelta niyang sagot. What a big turn-off. Frankly we don't even give a hoot. Whether it's for real or reel, problema ninyo yan. What we care ay pagbutihin ninyo ang pag-arte at nang maisulit naman ang ibabayad sa sinehan.
SINO naman ang nagsalita kay Marvin ng ganito! Get out of Jolina's life. Strong and harsh words indeed. Ang nagtanong about this ay si Ross Celino at very reliable daw ang kanyang source na talagang may nagwika ng ganito kay Marvin. It is not so difficult to guess kung sino ang pwedeng magsabi nito kay Marvin and why. Not true, not true ang sagot ni Marvin na siya ngayong lumalabas na underdog.
Gimmick lang ba ang lahat ng ito to sell the picture na sa tingin namin ay mainam namang binusisi ni Jerry L. Sineneng?
THE other couple in the story is played by Vanessa del Bianco at Gio Alvarez. Vanessa is a lovely face to watch. As for Gio, he cares less about superstardom at ang kagandahan ng role at istorya ang kanyang tinututukan.
The senior stars are headed by Hilda Koronel in one of her rare appearance on the screen. Her role? Hingahan ng sama ng loob ni Jolina. She is the mother. Gina Pareno and Ronaldo Valdez play the parents of Marvin.
INTRODUCING a new singing group named Jeremiah. The all-male group sings "Nanghihinayang," the carrier single ng soundtrack album ng "Labs Kita". Jeremiah is composed of Al Nievera, Glen Gonzales, Olan Crizaldo (lead vocalist), Peewee Polintan and Froilan Calixto. Composer of the song is Larry Hermoso.
Another group "Girl Talk" is also featured sa soundtrack. The six-ember all-female group (inspired by the worldwide craze over famous like Spice Girls and All Saints) perform two cuts in the album: "First Time" and "Hindi Kita Puwedeng Mahalin". The group members are: Tonee Miran, Lora Anacan, Jay Dadivas, Selina Cristobal, Sirk Cortez and Stephanie Salazar.
Isa sa very touching song is "Kapag Ako Ay Nagmahal" by Jolina of course.