Hindi magkamayaw ang mga fans ng dalawa sa tilian. Kulang ang security force na nakatalaga para protektahan ang dalawa.
Mahigpit ang security sa venue pero kulang pa rin ito sa lakas ng puwersa ng mga fans na nagkakagulo. Sa liit ni Jolina, puwedeng-puwede siyang bitbitin pero hindi pa rin umubra sa kaguluhan ng mga tagahanga.
Kung gauge ang mammoth crowd na 'yon sa kanilang fans day, tiyak na magiging sure hit ang pelikula nilang "Labs Kita, Okey Ka Lang?" ng Star Cinema na nakatakdang ipalabas sa August 26.
Ganito rin kainit ang naging response ng mga tagahanga sa kanila sa second part ng anniversary celebration ng "Showbiz Lingo Plus" na ipalalabas bukas, Sunday, 4:00-5:30 ng hapon sa ABS-CBN 2.