JOLINA WONDERS

by: Vir Gonzales
(Journal Group 08.17.98)

NAGTATAKA si Jolina Magdangal, kung paanong kumalat ang balitang ayaw ng magulang niya kay Marvin Agustin na kapareha niya sa Labs Kita, Okay Ka Lang? Wala naman daw siyang naririnig na negative comments ang parents niya against Marvin.

May nagsasabi na sana daw huwag pumasok sa isipan ni Jolina, na ngayon at siya ang kumikita, siya ang masusunod.

"Bahala na lang, kung anong magiging kahihinatnan ng aming pagmamahalan," sabi pa ni Jolina. Halata kasing in-love si Jolina kay Marvin kaya't malakas ang loob ng actor kahit tutol ang magulang nito. Sa Baguio City daw sumagot si Jolina kay Marvin.


JOURNAL GROUP