NEGATIVE PUBLICITIES TO PROMOTE MOVIE

by: Vir Gonzales
(Journal Group 08.17.98)

HINDI yata maganda iyong lumalabas na ayaw ng mga magulang ni Jolina Magdangal sa kanyang ka-love team na si Marvin Agustin. Hindi namin malaman kung ang lumalabas na iyan ay isang publicity gimmick lamang para sa kanilang pelikulang Labs Kita, Okey Ka Lang? o kung iyan ang katotohanan.

Gimmick man iyan o totoo, hindi maganda iyan para sa kanilang movie.

Kung sa bagay, matagal na rin naman iyong mga tsismis na hindi nga nagkakasundo ang dalawa. May narinig pa nga kaming mukhang isa sa hindi nila napagkasunduan ay noong binalak na si Marvin ang pakantahin ng theme song ng kanilang pelikula. Hindi namin alam kung totoo ang narinig naming tsismis pero noong magkaroon daw nang ganoong plano ay nag-react si Jolina.


JOURNAL GROUP