ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS

by: Bong de Leon
(Journal Group 08.19.98)

ACTION speaks more than words. Iyan ang napupuna namin sa prince and princess of hearts na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin stars of the movie "Labs Kita, Okey Ka Lang?" for Star Cinema. In many occasions, maging sa press conference ng nabanggit na pelikula, maraming pagkakataon na nakikita si Jolina nang pagiging demonstrative sa kanyang nararamdaman for Marvin.

Once and for all, pinabulaanan ni Jolina ang nasulat tungkol sa diumano'y di pag-sang-ayon ng kanyang ina kay Marvin. Which, kung tutuusin ay imposibleng mangyari dahil nga nasa promo blitz ito nang sumambulat sa mga pahayagan. Sino bang ina ang magsasabi ng di maganda at ikasisira ng career ng anak niya? Come to think of it. Not Jolina's mom, of course.

Sa totoo lang, liberal ang mga parents ni Jolina sa pakikipagkaibigan ng kanilang anak kay Marvin. Dumaan din sila sa ganoong estado. Kaya alam nila how one feels to be in love.

Noong nasa San Francisco nga sina Jolina at Marvin, nakita namin how they feel for each other. Sweet sila sa isa't isa at ang father mismo ni Jolina who accompanied her daughter ay hindi nagdididikit sa anak. One way of saying na he trusts Marvin.

Bagay na bagay ang new love team na ito. Parehong dedicated sa kanilang trabaho at dahil mga bread winner ng pamilya, malayo pa ang maging serious sila sa isa't isa. For the moment, they enjoy each other company at bawa't araw at oras, hindi nila inaalintana ang ano mang hirap sa trabaho dahil inspired sila sa isa't isa. Ah look at what love can do.


JOURNAL GROUP