JOLINA ON FRANCO LAUREL
by: Jojo Gabinete
(Journal Group 08.20.98)
SA presscon kahapon ng Star Cinema's Labs Kita Okey Ka Lang?, inamin ni Jolina Magdangal na totoo ang balitang nag-date na sila ni Franco Laurel (Charlene Gonzale's co-host in Keep On Dancing) pero hindi raw dapat bigyan ng malisya ang kanilang paglabas dahil distant relative niya ang nabanggit na TV host.
Ang pagiging cute at friendly ang ilan sa mga katangian na nagustuhan ni Jolina kay Franco. Gentleman, malambing at malinis sa katawan ang mga katangian na hinahanap ni Jolina sa mga lalake.
Bukod kay Franco, crush din ni Jolina sina Troy Montero pero si Aga Muhlach daw ang kanyang forever crush. Surprisingly, hindi nabanggit ni Jolina ang pangalan ng kanyang ka-loveteam na si Marvin Agustin sa listahan ng mga lalakeng crush niya.