MAJ FANS DAY

by: Eric John Salut
(Journal Group 08.22.98)

MAGKAKAROON ng fans day ang cast ng pelikulang "Labs Kita, Okey Ka Lang?" ngayong Sunday, 4 pm sa SM City Entertainment Center na pangungunahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

In-assure naman ni Jackie Liu (Star Cinema's Ad Prom manager) na hindi na mauulit ang nangyari sa unang fans day na nahipuan si Jolina at nakalmot naman si Jackie. Hindi rin daw papayag si Marvin na maulit ang naturang pangyayari.

The last time kasi, walang nagawa si Marvin dahil kahit siya ay mina-mob din. Tiyak na sa dami ng bading na fans sa fans day ay nahipuan din ito. Deadma nga lang ito dahil lalaki.

Sa Lunes, August 24, 7 pm ay may premiere night ang "Labs Kita, Okey Ka Lang?" sa Cinema 10 ng SM Megamall. Darating ang buong cast pati ang direktor ng movie na si Jerry Lopez Sineneng.


JOURNAL GROUP