Matatandaang nag-react ang kampo ni Jolina sa nasulat na tinarayan si Marvin ng ina nito to which Mr. Magdangal naman denied.
Ipinalalagay ng kampo ni Jolina na sa kampo ni Marvin nanggagaling ang mga publisidad na 'yon. Up to this time, wala pa kaming naririnig na reaksyon mula sa kampo ni Marvin.
Malalaman namin kung nanlamig din sina Marvin at Jolina sa isa't isa sa kanilang pagharap sa presscon today.
Hindi naman hahayaan ng Star Cinema at ABS CBN na may maging kontrabida sa loveteam ng dalawa na ang pelikula ay nakatakda nang ipalabas ngayong Agosto.