Sa pag-aakala ni Marvin na binastos ng parents ni Jolina ang mommy niya nagalit siya kay Jolina at nahatak niya ito sa braso sabay ang tanong kung inano ng mommy ni Jolina ang mommy niya? Pagkatapos saka pumasok ng CR si Marvin, nag-iiyak at pinagsusuntok ang dingding. Natigil lang ito nang kausapin ni Malou Santos.
Sa CR ng mga babae nag-iiyak din si Jolina dahil hindi alam kung bakit nagalit sa kanya si Marvin. Ang PA nito ang umaalo at kinausap din si Jolina ni Malou.
That same night, nag-sorry si Marvin kay Jolina, pero sa pager lang ng young actress. Sabi ng message ni Marvin, "sorry, sorry, sorry, nadala lang ako ng galit. Wala naman palang nangyari."
Dahil sa nangyari, nagbago na ang relasyon ng dalawa. Kapag nagkikita sa taping, "hi" at "hello" na lang ang kanilang batian. Hinihintay pa rin ni Jolina na mag-sorry sa kanya ng personal si Marvin na mukhang hindi nito gagawin.
Tinanong namin sina Mr. Generoso Magdangal at Mrs. Paulette Magdangal kung payag pa silang magtambal sina Jolina at Marvin pagkatapos nang nangyari kung saan marami ang nakakita nang hatakin ni Marvin si Jolina at ang kasunod na negative write-ups sa kanilang mag-asawa?
"Papayag, pero may kondisyon. Dapat linisin nila ang pangalan namin, mag-issue sila ng apology dahil maraming apektado. Kung walang apology, `wag muna silang gumawa ng movie," pahayag ng mag-asawa.
Sabi pa ng father ni Jolina, pasalamat si Marvin na wala siya nang saktan nito ang kanyang anak dahil hindi siya papayag na kahit sino na lang ay manakit sa kanyang anak. Nakauwi na sa bahay ang parents ni Jolina.