Pustahan tayo, tiyak na sa kanilang dalawa mas naghihirap ang kalooban ni Jolina, dahil hindi niya napakawalan ang kanyang tunay na damdamin kay Marvin. Iha, sino ba ang kinatatakutan mo?
Obvious na may kinikimkim na problema si Marvin sa kung anumang relasyon mayroon sila ni Jolina. Did we hear it right na muntik na siyang humagulgol nang idina-dub niya ang eksena nila ni Jolina na kinunan sa Baguio, 'yong eksenang pareho silang umiiyak ni Jolina? Masyado kasing ma-drama ang nabanggit na eksena at lalong naging madamdamin ang nabanggit na tagpo nang pumasok ang theme song na Kapag Ako Ay Nagmamahal, Labs Kita...Okay Ka Lang has two theme songs, the other one is Nanghihinayang Na Puso.
Naku, Jolina, isigaw mo na ngang labs mong talaga si Marvin nang hindi na mamroblema si Marvin.
Tutal mahal mo naman siyang talaga, di ba?