Kay Rica, ang tanging nasabi ni Jolina'y "I want to win friends, not enemies. 'Yung sabi'y intriga sa 'min, sana'y chica lang."
Umamin daw si Marvin na nang magpunta sila sa Tate ay naging mag-steady sila ni Jolina. Ngayong itinanggi ni Jolina ang relasyon, lumabas na sa mga kontrata niya sa mga produktong ini-endorse, naka-stipulate na bawal siyang mag-boyfriend.
Of course, dapat na maging understanding si Marvin, di ba? Sayang ang 8% commission ni Jolina sa total products manufactured ng brands na iminomodelo, di ba?
May soundtrack album ang "Labs Kita..." at dito'y kasama ang solo number ni Jolina na "Kapag Ako'y Nagmahal." Sabi nami'y ba't di na lang ang title ng song ang ginawang title ng Jolina-Marvin starrer. Mas maganda yata ito, Direk Jerry Sineneng!