JOLINA DENIES...
by: Jojo Gabinete
(Journal Group 08.06.98)
AS expected, pinabulaanan ni Jolina Magdangal na
galit ang mga magulang niya, (particularly her mom) sa
kanyang ka-loveteam na si Marvin Agustin. Unfair daw
ang nabanggit na paratang. Ang totoo raw,
sinusuportahan ng kanyang ama at ina ang loveteam
nila ni Marvin.
Ang pakiusap ni Jolina, huwag nang idamay ang mga
magulang niya sa promo at publicity ng forthcoming
movie nila ni Marvin, ang Labs Kita, Okey Ka lang
under Star Cinema.
Sa August 20 ang premiere night ng Labs Kita, Okey
Ka Lang sa Cinema 10 ng SM Megamall. Regular
showing is on August 26.