Hindi na bago sa showbiz ang ganitong sitwasyon. It dates back to the Nora Aunor-Tirso Cruz III days, kung saan kontrapelo din noon si Mamay Tunying kay Pip (palayaw ni Tirso) dahil mas gusto niya para sa anak si Manny de Leon. Oo nga pala, nasaan na ba ngayon si Manny?
Bakit nga naman hinintay pa ng mommy ni Jolina na ma-establish muna ang tambalan ng kanyang anak kay Marvin, bago siya tumutol. Nagmumukha tuloy gimmick ang sistemang ito, lalo't malapit nang ipalabas ang pelikula nilang Labs Kita, Okay Ka Lang kung saan kasama din sina Vanessa del Blanco at Gio Alvarez.
Pero, marami sa paligid nina Jolina at Marvin ang nagsasabing, hindi gimmick ito. ''Talagang ayaw ni mommy Magdangal si Marvin para kay Jolina. Nag-away pa nga silang mag-asawa. Sinisisi ni mommy si daddy Magdangal kung bakit pinayagang mapalapit nang husto ang kalooban ng kanyang anak sa katambal nito. Si daddy kasi ang kasa-kasama ni Jolina nitong mga nakaraang buwan Hindi rin siguro akalain ni daddy Magdangal na ayaw pa ni mommy Magdangal na magkaroon ng relasyon ang kanyang anak kay Marvin,'' pagtatapat ng ating katabi sa presscon ng nasabing pelikula sa ginanap sa ABS-CBN noong Lunes ng tanghali.
Mrs. Magdangal must have her own reason kung bakit ayaw niya kay Marvin o sa sino mang makaka-relasyon ng kanyang anak. Hintayin natin ng kanyang pahayag.