MARVIN TALKS AT PRESS CON

by: Joey Sarmiento
(Journal Group 08.10.98)

INAMIN ni Marvin Agustin sa press conference ng pelikulang "Labs Kita... Okay Ka Lang" na mahal na mahal niya si Jolina Magdangal pero ang hindi namin maintindihan ay kung bakit hindi niya kayang ipaglaban ang kanyang nararamdaman.

They are already in their right age at alam na naman nila kung ano ang tama at mali kaya kung talagang mahal niya si Jolina ay ipaglalaban niya ito kahit na sino pa ang humadlang.

Siguro naman ay maiintindihan siya ng mga magulang ni Jolina kung sakaling ipaglaban niya ang kanyang nararamdaman sa young actress/singer.

Pero sa totoo lang, may isa pa kaming pinagtatakahan Kuya Butch, bakit marami sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang nagtaas ng kilay nang sinabi ni Marvin sa harap ng maraming reporters ang "I love Jolina talaga!"

Hindi ba sila naniniwala.... Ewan lang namin...


JOURNAL GROUP