MAJ AT PRESS CONFERENCE

by: Vir Gonzales
(Journal Group 08.11.98)

HIRAP na hirap si Jolina Magdangal sa pagsagot sa katanungang Sila na ba ngayon ni Marvin Agustin na kapareha niya sa Labs Kita, Okay Ka Lang? Sa Baguio City, sa tagal ng shooting nila doon, halos ma-develop sina Jolina at Marvin sa tagal ng kanilang pagsasama doon.

Playing safe palagi si Jolina kapag tatanungin kung tinanggap na ba ang pag-ibig ni Marvin. Ayaw kasi ng parents ni Jolina kay Marvin. May bagay silang hindi gusto sa naturang actor.

Subali't halata namang si Jolina ang in-love kay Marvin. So, tipong magulo ang takbo ng pangyayari. Parang lumilitaw, para kay Marvin, sila na ngayon ni Jolina. Hindi naman makontra nito ang ang sinasabi ni Marvin, baka kasi makasira sa promo ng movie nila na malapit nang ipalabas. Tingnan na lang natin, kung ano ang magiging totohanang resulta ng pag-iibigan kuno ng dalawa.


JOURNAL GROUP