Ang Labs Kita... Okey Ka Lang ay unang movie ng dalawa bilang loveteam sa ilalim ng Star Cinema at idinerehe ni Jerry L. Sineneng.
"I love her so much," pag-amin ni Marvin. "Kaya lang sa ngayon, ang daming priorities na dapat unahin."
Sagot naman ni Jolina: "Okay naman ang relationship namin. I love him in so many ways... Sa ngayon, busy pa kami sa aming individual career. Mas maganda sana kung hindi namin madaliin. We're enjoying each other's company."
Sa madaling salita, mahal nila ang isa't isa pero walang commitment.
Tinanggi rin ni Marvin ang mga lumalabas na isyu na against ang parents ni Jolina sa kanya.
"Hindi ganoon kalala ang sitwasyon. Hindi totoo 'yong lumabas na isyu na ayaw ng parents ni Jolina sa akin," paliwanag ni Marvin. "It's true, we have good and bad times with our parents. Unfair naman sa parents ni Jolina dahil they're very supportive with our loveteam."
Sa katunayan, ilan sa traits na gustung-gusto sa kanya ng magulang ni Jolina ay ang kanyang pagiging responsable, magaling na aktor at mabait na binata.
Ang dalawang bagets ay kagagaling pa lamang sa isang successful concert at bakasyon sa States.
"Nag-enjoy kami sa States. Nagkaroon kami ng time for each other, especially sa shopping. We're very close," banggit ni Jolina.
Dahil sa closeness na namamagitan sa kanila, inamin ng dalagita na "gusto ko laging naririnig ang boses niya." Kaya naman pala telebabad daw kung mag-usap sa telepono.
Sa kabila ng matagumpay nilang loveteam, open sila sa posibleng pagsolo at paghihiwalay bilang onscreen sweethearts.
"Hindi forever kayo magka-loveteam. For both of us to grow, hindi kami dapat forever magkasama," paliwanag ni Marvin. Hindi malaking isyu 'yon. Siguro one day, darating din kami roon."
Ang Labs Kita... Okey Ka Lang? ay kuwento ng magkaibigan na sina Bujoy (Jolina) at Ned (Marvin) na nagkaibigan sa bandang huli.
Upang lalong kiligin ang mga manonood, ang Star Record ay naglabas ng soundtrack para sa pelikulang ito. Ilan sa mga bagong recording groups na included sa soundtrack ay ang Jeremiah, an all-male vocal group, na siyang kumanta ng carrier single na "Nanghihinayang," ang Girl Talk (a six-member all-female group), na kumanta ng "First Time" at "Hindi Puwedeng Mahalin," 92 A.D., Bluesero Band, at si Jolina, na kumanta ng tatlong songs sa album kabilang ang "Kapag Ako Ay Nagmahal."
Ang Labs Kita... Okey Ka Lang? ay pang-anim na soundtrack na inilabas ng Star Records. Ang pelikula ay mapapanood sa Agosto 26. Athena Tuazon