MAY 28, 1998

Election is over and sad to say hindi ako nakaboto dahil hindi ako nakapagpa-register. Sayang at hindi ko na-exercise ang aking right as a Filipino citizen. Promise, next election ay hindi ko na ito palalagpasin. Anyway sa lahat ng nanalo, congratulations at sana magampanan ninyong mabuti ang inyong tungkulin dahil sa inyo nakasalalay ang future natin.

Regarding nga pala sa latest movie na ginagawa namin ni Jolina, masasabi kong napakabilis ng developments dahil magaling si direk Jerry Sineneng at walang sinasayang na oras. Enjoy talaga kami sa set dahil okey kasama ang lahat.

"Yung promise ko nga pala last week na ipapakita ko ang mga pictures na kuha pa sa Tagbilaran, Bohol. Kuha ito noong mag-show ako roon at kahit first time kong magpunta roon ay nag-enjoy talaga ako nang husto dahil mababait at asikasung-asikaso nila ako. Kasama ko nga pala on that show ang aking assistant manager na si NARS GULMATICO.

Isa pang good news ko sa aking mga fans na walang sawang sumusuporta sa akin ay ang pagkakaroon ko ng P.O. Box. Yes, siguradong-sigurado na lahat ng letters ninyo ay makakarating sa akin at mababasa at masasagot ko na ang mga ito. So, what are you waiting for? Write and send your letters to:

MARVIN AGUSTIN
P.O.BOX 98
UP Diliman, Quezon City
1101-1144

Rest assured na lahat ng matatanggap kong sulat ay sasagutin ko. That's all for now guys and see you next issue!

MARVIN'S CORNER