JUNE 25, 1998
At long last, natapos na rin ang shooting ng aming pelikulang Okay Ka Lang. Siguradong matutwa kayo sa bawat eksenang makikita ninyo rito dahil talagang pinaghirapan namin ito nang husto para naman masiyahan kayo sa panonood. Siyempre wala kaming ibang pinaglalaanan ng lahat ng aming ginagawa kundi kayo lamang na aming mga tagahanga dahil hindi namin nakakalimutan na kundi dahil sa inyo ay hindi namin mararating ang aming kinalalagyan ngayon. Well, alam kong gasgas na ang linyang ito pero gusto ko lamang ipaalam na hindi ko kayo nakakalimutan.
Enough of this, masyado yata akong nag-emote. Gusto ko nga palang ibalita sa inyo na kagagaling ko lang sa L.A. kasama ang aking my labs na si Jolina. Nagkaroon kami ng show doon para sa centennial celebration ng Filipino community sa Los Angeles. Tuwang-tuwa nga ako dahil first time ko lang nakapunta roon at next week for sure ay makikita ninyo ang picture ko fresh from the USA.