Sa wakas, ay makakapag-guest na rin ako sa Kaybol. Matagal ko na ngang gustong mag-guest dito, 'yun nga lang, hindi tumutugma sa schedules ko. Balik taping na rin ako sa Esperanza. Masasagot na rin 'yung mga tanong ng iba diyan na kung naalis na raw kaming dalawa ni Jolina doon. Kaya lang naman kami pansamantalang nawala ay dahil sa shooting kami ng aming pelikulang Okey Ka Lang at ngayon ngang tapos na kami roon ay back to normal na uli ang aming trabaho sa iba't ibang TV programs. Tungkol sa movie, sa August pa ito maipalabas, basta abangan niyo na lang.