August 06, 1998

Last SUnday, kababalik ko lang from Davao, would you believe ginawa lang naming parang palengke ang Manila at Davao? Yes, nagbalikan kami nina Manilyn at Camille from our Nido show. Para lang kaming namasyal. At pagdating namin dito, halos hindi na talaga ako makagalaw sa pagod kaya pagdating ng bahay, plastado kaagad ako.

Kinabukasan, I have to wake up early dahil may shooting pa ako pero natapos rin kaagad kaya maaga rin akong nakauwi ng bahay. Alam niyo bang ngayon ko lang napanood 'yung Blue Lagoon. Nahiram ko kasi 'yung tape ni Joey Diego (my PRO) kaya sinamantala ko 'yung pagkakataon na makapanood pa rin ako ng ganitong pelikula. Gandang-ganda nga ako sa story at nangangarap nga ako na sana magkaroon din ako ng ganoong pelikula pero siyempre hindi na kasama 'yung mga naked scenes dahil hindi ako pupuwede doon.

As usual, regular pa rin naman 'yung taping namin ng Esperanza, at Onli in Da Pilipins. Nakapag-APO din pala ako last Wed at ako nga 'yung nag-opening number du'n. Pero hindi talaga muna ninyo ako mapapnood sa ASAP dahil tuwing Sunday, panay ang out of town ko. siguro makikita niyo lang ako doon in times of our promo ng pelikula kaya sana huwag niyong kaliligtaan na panoorin pa rin ang ASAP.


MARVIN'S CORNER