August 20, 1998

Marvin answers several fan mails:

1. Tungkol sa pelikula naming Labs Kita ... Okay Ka Lang? under Star Cinema, malapit na itong ipalabas, sa August 26 at magkakaroon kami ng premiere night on August 24 sa SM Megamall.

2. Nabalitaan mo pala na pupunta ako diyan sa Hawaii but sad to say ay hindi iyon natuloy dahil nagkaroon ng problema sa booking. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman siguro iyon ang huli, malay mo one of these days ay magkaroon ako ng show diyan.

3. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinasagot ni Jolina. Pero okey lang dahil willing naman akong maghintay. Alam ko naman hindi pa siya handa for a relationship like that. Actually, ang dami ngang lumalabas na balita na kesyo against daw sa akin ang parents ni Jolina. Pero hindi iyon totoo dahil mabuti naman ang ipinapakita sa akin ng pamilya niya. Basta ang masasabi ko lang, kahit ano pa ang sabihin nila, ay labs ko pa rin si Jolina.


MARVIN'S CORNER