August 27, 1998

Ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang mga pinagkakaabalahan ko last week.

August 3: nag-prescon ang pelikula sa studio 1 ng ABS-CBN. Nagkaroon muna ako ng briefing with Manay Ethel Ramos.

August 4: nagtaping ako ng Esperanza sa Boso-Boso Antipolo at pagkatpos noon ay diretso shooting naman ng additional scenes namin para sa Labs Kita.

August 5: taping naman ng OIDP sa Wildlife Parks, tapos diretso naman kami sa studio for additional scenes.

August 6: diretso uli sa taping ng Esperanza sa Antipolo at doon nga akosa sasakyan ko natulog dahil maaga ang call time ko kinabukasan.

August 7: 9:00 a.m. nag-rehearse ako ng sayaw para sa opening number ng APO 12:00 p.m. na ako naisalang sa APO at diretso kaagad ako sa Robinson Place Manila para naman sa CPM GFD ng MAJ. Kasama rin namin yung ibang cast ng movie namin at namigay kami ng mga posters, T-shirts, pictures sa mga dumating na fans doon. Pagkatapos ng fans day ay balik uli sa ABS-CBN para naman sa recording ng ASAP at Showbiz Lingo. Pagkatapos noon ay diretso naman ako sa Roadrunner para naman sa dubbing ng pelikula namin, grabe halos patang-pata ako sa rami ng ginawa ko nu'ng araw na 'yun. Halos inumaga na ako sa dubbing kaya the whole day ng Saturday ay talagang pahinga lang ang ginawa ko.

August 9: Maaga pa lang ay nasa ASAP na ako at kumanta kami ni Jolina with Gio and Jeremiah, bilang part ng promo ng movie namin. After ASAP, balik Roadrunner naman uli ako for dubbing, ilang loops lang ang natapos ko, dumiretso naman sa Araneta Coliseum para sa anniversary celebration ng Showbiz Lingo. Grabe ang naging response sa amin ng mga fans at doon nakita 'yung full support ng fans sa amin ni Jolina. Nagbalik uli ako ng Roadrunner para sa dubbing kaya napaos talaga ako kinabukasan dahil sa sobrang dami ng activities namin.

Ipapalabs na ang movie sa Agu. 26, at may premiere night kami sa August 24 sa SM MEgamall at aasahan ko ang suporta ninyo sa amin ni Jolina and see you there ... until next issue.




MARVIN'S CORNER