Sa August 28 ang fans day ko sa Teen Movie Magazine kaya excited na ako. Sinu-sino ba ang mga guest ko aside form "Youngbrats"? Well, siyempre pa, darating sina Nikki Valdez, John Prats, CJ Ramos at ang grupong Bigmen na magiging back-up dancers ko. Si John Lapus ang magiging jost ng aking fans day at tutulungan niya akong aliwin kayo.
Kung malilibre sina Angelika dela Cruz at Rica Peralejo sa araw na 'yun ay baka dumaan din sila pero I'm not sure kung matutuloy dahil sabi nila sa akin, sosorpresahin na lang daw nila ako.
Oo nga pala, speaking of Rica, gusto kong nga pala siyang i-welcome sa family namin ng Blowing Bubbles. Siya na ngayon ang image model ng Blowing Bubbles for women, dahil na rin sa request ng marami ay finally si Rica na ang magiging partner ko bilang image model ng Blowing Bubbles. Soon ay makikita niyo sa mga malls 'yung enlighted billboards namin ni Rica kaya abangan niyo yun.