Magpapasalamat muna ako sa lahat ng mga fans na nagpunta sa aking grand fans day na ginanap dito sa Atlas. I'm sure last issue ay nakita ninyo ang coverage ng nasabing affair.
Salamat din sa lahat ng naging guests ko, kina Jefferson Long, Stefano mori, Michael Roy Jornales, biboy Ramirez, Bigmen at sa naging host ng araw na iyan na si John Lapuz.
I would like to take this opportunity na pasalamatan ang lahat ng mga nanood ng movie namin ni Jolina na Labs Kita, Okey Ka Lang? dahil malakas na malakas ito sa takilya. Kahit medyo maraming intrigang naglalabasan ay hindi ninyo kami pinabayaan kaya sana huwag kayong magsawang sumuporta sa amin ni Jolina dahil lahat ng ibinibigay ninyong pagmamahal sa amin ay ibabalik namin sa inyo at asahan ninyo na walang magbabago sa samahan namin.