OCTOBER 15, 1998

Hi! Kamusta na, mga ka-tropa? Lahat ay oks na oks ba? Well...sana! 'Yung tipong kahit may kinakaharap na mga problema, cool pa rin kumbaga. 'Ika nga, kesa magmukmok sa isang sulok, maging aburido o maghimutok, eh... maghanap na lang ng outlet na makatuturan o kahit anong puwedeng makapagapapagaan ng pakiramdam. Lungkot o anupamang negative na bagay, huwag na lang i-entertain. Pra di masira ang iyong mood at lagi ka pa ring nakakangiti.

For me, ganito nga ang tamang attitude. Para anumang trials o problema ang dumating, magagawa mong harapin. Na tipong kahit gaano pa kabigat, mapapasan mo rin. Kasabihan nga...everything in life has a purpose. There are no mistakes, no coincidences...and events are blessings given to us to learn from. Parang 'yong mga intriga rin. 'Yong ganoon na...umabot sa point na talagang may ibang intensiyon na gumawa ng gulo sa pagitan namin ni Jolina.

Pero...at least, oeky na ang sitwasyon sa ngayon at nakabuti rin sa isang banda na may ganoong stormy condition kaming pinagdaanan na parang nagsilbing test. Kung gaano na katatag ang pundasyon ng magandang samahan namin ni Jolina. Ang reason marahil kung bakit may ganoong nangyari is...for us to learn some lessons.

Right now, ayos na ang lahat. Merong mga ayaw pa rin talagang paawat sa pang-iintriga sa amin pero pasasaan ba't magsasawa rin sila. Sila na ang may problema, noon. Basta kami ni Jolina, okey na.

Siya nga pala, sa mga fans, kung may mganaapektuhan ng mga nangyari lately, now is the time na manunumbalik ang sigla ng pakiramdam niyo. Dahil ang susunod na movie na gagawin ko, 'yong GIMIK, THE REUNION na siyempre, andoon din nga si Jolina. Pagkatapos noon, baka 'yong follow up naman ng Labs Kita...ang next.

Kasi magkasunod ang Star Drama namin, 'yon din ang dahilan kung bakit hindi rin ako nakapag-guest sa alin man sa mga episodes na nai-tape niya't nag-i-start nang i-air sa ngayon. Ginagawan din nga ng intriga ang tungkol dito lately pero...the best thing is to ignore na lang. Ika nga, huwag nang patulan.

O, paano, mga katropa, kapos na sa espasyo kaya ... bye-bye na lang ulit muna. Until next ish! Just remain cool always!




MARVIN'S CORNER