Grabe talaga ang ABS-CBN at Star Cinema dahil pabigla-bigla sila kung sorpresahin nila ako. Basta nagulat na lang ako recently na they have something so special and really big talaga na binuo at inihanda nila for me.
Mahaba-habang panahon din pala ang kanilang ginugol sa pagku-conceive nito at pagpaplano. Hanggang plantsado na palang lahat ay wala pa rin talaga akong kaalam-alam. Lately nga lang nila sinabi kaya halos matulala ako sa sobrang pagkabigla.
Ito 'yung mini-series na line produced by Star Cinema na ang owrking title ay Sa Sandaling Kailangan Mo Ako, na si Direk Olive Lamasan ang mamahala, 'yong story ay parang 'yong sa Rich Man, Poor Man novel na...inspired doon, kumbaga at ako ang bida.
Ayoko munang i-reveal kung sinu-sino ang iba pang stars na makakasama ko para naman buong-buo yong element of surprise, ika nga. Tungkol sa magiging ka-partner ko, ayaw pang sabihin sa akin. Si Mystery Girl kung tawagin nila na sa umpisa na lang daw ng taping ko makikilala. But this time, serious drama na ang sasabakan ko. Magkakahalong tuwa, kaba at excitement ang nararamdaman ko sa ngayon. Siyempre, isa na naman itong turning point sa career ko, kumbaga. Na sana'y maging simula na ng hinahangad ko ring paunti-unti ng growth as an aktor. Masayang-masaya talaga ako ngayon. It's really flattering at talagang nakakainspre na ipagkatiwalaan ako ng Dos at ng Star Cinema na sa akin nila ibinigay itong very first mini-series na ngayon lang mapapapnood sa ABS-CBN.
Ito bale ang magiging kapalit ng Palibhasa Lalake, ang airing is every Monday, 9:00 to 10:30 in the evening, simula November 16. Dahil nga sa seryeng ito kung bakit umatras muna ako sa Star Drama na supposedly ay sa November 14 naman ang umpisa ng pagpapalabas. Handang-handa na sana ako for that. Olkey na 'yong stories ng mga iti-tape kong episodes na nakisali pa ako sa brainstorming noon.
Sabi naman sa akin ng EP ng Star Drama, iri-reserve nila for me 'yong mga stories na na-brainstorming namin. Early next year siguro 'yon. It's time for me to say bye-bye muna. Sana subaybayan ninyo ang aking mini-series na malapit nang magsimula.