November 26, 1998

Nagti-taping pa rin kami until now afor this. Bale eight episodes nga ang itatakbo nito. Paspasan kami ng trabaho dito na kung minsan, maghapon hanggang kinabukasan pa ng umaga ay nagti-taping kami. And right after that, kasunod naman ang taping ko for Esperanza na halos yung biyahe na lang sa location ang naitutulog ko.

But okey lang. Kaya pa ng resistensiya ko. Workaholic naman ako bynature. At sa ngayon higit na maganda na ang takbo ng career ko ay mas lalo pa akong nagiging inspirado.

Ang sarap-sarap katrabaho si Inang na siyang namamahala nga ng pinagbibidahan kong mini-series. Mabilis, tapos...okey mag-motivate.

Sabi niya sa akin, sa project na ito na co-production venture ng Star Cinema at ABS-CBN, sa panahon ng taping namin, I should really be willing to die, to ressurect and to die again. Kasi nga, talagang patayan o bugbog sa oras ng trabaho.

This is my biggest break so far dahil first time kong mag-lead sa ganito kalaking project na first time pa rin lang na mapapnood sa Channel 2. At ang aking role, talagang heavy at medyo mature na. 'Yong tipong dream role nga for me.

Sa Dec. 14, we're planning to have a grand fans day. Hindi pa lang napa-finalize kung saan ang venue. But I'll keep you updated on this.




MARVIN'S CORNER