Kamusta na? I'm sure 'yong iba sa inyo ay meron pa ring hang-over sa katatapos na holiday season. Kaparis ko na parang bitin dahil tig-two days lang bale ang naging vacation ko noong Christmas at New Year.
But anyway, I was able to make the most out of it. Like having some quality time for my family, konting lakwatsa, relaxation at enough na tulog.
Tapos, baack to work ulit. Paguran na naman sa schedules kong hectic pa rin. Pero mas gusto ko naman 'yong ganitong maraming ginagawa. Workaholic naman ako, eh. Sanay nang sumabak sa patung-patong na trabaho.
Last 2 episodes na lang bale 'yong sa miniseries naming SSKMA. Medyo parang nakakaramdam ako ng lungkot dahil pagtapos na nga ito. But then, medyo fulfilled at happy na dahil kahit paano'y may growth na naibigay ito sa akin as an actor. Salamat nga pala sa inyong pagsubaybay dito every week.
So what's ahead sa early part ng 1999? After ng aming miniseries, magri-resume naman kami ng shooting para sa movie version ng Gimik. Tapos ay mag-i-start na rin kami ni Jolina para sa follow-up movie naman ng Labs Kita, Okey Ka Lang? At saka papasok na rin ako bilang isa sa casts ng Richard Loves Lucy on or before March.
I'm happy nga dahil sa pagtatapos ng taong 1998, natapos na rin intriga sa amin ni Jolina. Ngayon, unti-unti nang bumabalik sa dati 'yong samahan namin na kagaya noon.
Last year has been a very fruitful year for me kahit sobrang dami rin ng problema't mga intrigang kinasangkutan ko. And I wish na mas fruitful pa ang kasalukuyang taon hindi lang para sa akin kundi sa ating lahat.
Malapit na ang birthday ko. This coming January 29 na. I just don't know kung magsi-celebrate ako o baka magpahinga na lang ako or out of town with my family. I still have two weeks pa naman to think about it, kung ano nga bang mabubuong plano for me to decide.
Siyanga pala, b4 I end my column for this week, gusto kong pasalamatan ang ilang naging sponsors sa aking fans day last month.
Until here na lang muna. I love you all. God bless!